Pabirong sinita ni Megastar Sharon Cuneta ang isa sa mga anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi na si Mavy Legazpi dahil sa pag-address nito sa kaniya bilang "Ms" o pinaiksing "Miss".

Nagpasalamat si Mavy sa naging komento sa kaniya ng Megastar sa Instagram post nito kung saan itinampok siya sa isang magazine, kagaya rin ng anak nina Mega at dating senador na si Atty. Kiko Pangilinan, na si Miel Pangilinan.

"Thank you so much po, ms. @reallysharoncuneta! wooohooo congrats @mielpangilinan!" saad ni Mavy.

Bagay na kinomentuhan naman ni Shawie.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"@mavylegaspi Anong ‘Ms.?!!!’ Your Mama is my sister too! Ask her!? And you and Cassie and I have the same birthday anak! Thanks so much Mavy! Tell Mama I love her and miss her please! @mina_villarroel," aniya.

Screengrab mula sa IG ni Sharon Cuneta