Makararanas ng water service interruptions sa tatlong lungsod sa Metro Manila sa Nobyembre 24-27 dahil sa maintenance work ng Maynilad Water Services, Incorporated.

Simula 10:00 ng gabi ngNobyembre 24 hanggang 6:00 ng umaga kinabukasan, mawawala ang suplay ng tubig saBarangays 201, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio at San Isidro saParañaque.

Mapuputol muli ang suplay ng tubig sa mga nasabing lugar simula 1:00 ng gabi ng Nobyembre 25 hanggang 6:00 ng umaga ng Nobyembre 26.

Sa Nobyembre 24, simula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga ng Nobyembre 25, makararanas din ng water service interruptions sa Brgy.181-185 at 201 sa Pasay City.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa Nobyembre 25 dakong 10:00 ng gabi ay mawawalan din ng tubig sa mga natukoy na lugar hanggang 6:00 ng umaga ng Nobyembre 26.

Apektado rin nito ang Brgy.64, 65, 66, 69, 70, 73, 74, at 75 sa Caloocan kung saan mararamdaman ang pagkawala ng suplay ng tubig simula 11:00 ng gabi ng Nobyembre 26 hanggang 4:00 ng madaling araw ng Nobyembre 27, lalo na saG. del Pilar, 10th Avenue dahil na rin sa network maintenance activity.

Inabisuhan din ng water concessionaire ang mga customer na mag-imbak muna ng tubig upang mapaghandaan ang water service interruptions.

PNA