Isa sa mga naging paksa ni Queen SawsaweRRa RR Enriquez sa kaniyang vlog ang paglabas ng rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos sa pangatlong pagkakataon sa publiko, matapos ipagdiwang ang kaarawan ng huli at pagkapanalo bilang "Best Actress" sa 45th Gawad Urian noong Nobyembre 17.

Matatandaang bago ang pagbati ni Paolo sa kaniyang "My Best Actress" ay napabalitang naispatan silang magkasama sa isang hotel sa Mandaluyong City. Inilarawan pang masayang-masaya ang dalawa at magkahawak-kamay pa raw nang makipag-usap sa front desk.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/

Pagkatapos nito, nag-post na si Paolo sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang magkasama nga sila ni Yen.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/21/paolo-contis-trending-matapos-ang-pag-flex-na-magkasama-sila-ni-yen-sa-bertdey-nito/">https://balita.net.ph/2022/11/21/paolo-contis-trending-matapos-ang-pag-flex-na-magkasama-sila-ni-yen-sa-bertdey-nito/

"Eh kasi naman, last year pa yata alam na ng lahat na sila na yata talaga but hindi pa rin umaamin. May nakakita na nga sa Baguio na nakayakap, nakaakbay, pero as a friend lang daw... ngayon kaya, as a friend pa rin kaya itong mga 'to?

"Hiniram" pa ni RR ang kontrobersiyal na pahayag ni Kapuso star Bea Alonzo sa kasagsagan ng hiwalayan nila ni Kapamilya actor Gerald Anderson.

"Time is the ultimate truth teller kaya naman kayo na ang bahalang humusga… Kayo na ang bahalang mag-isip kung tama ba ang ating mga haka-haka. Kung tama ba ang ating pag-ooverthink dito sa dalawang 'to," ani RR.

"I think sa ngayon hindi na tayo mag-ooverthink kasi sa ngayon lumantad naman sila…"

Pero sa paniniwala ni RR, wala naman daw kasing taong perpekto. Nangyayari naman daw talaga na minsan, dumarating sa puntong kahit may karelasyon na, eh nafo-"fall out of love" o kaya naman ay nagkakagusto sa iba, kaya nga raw may tinatawag na "cheating". May mga tao raw talaga na hindi nakokontento sa kung anong mayroon na sa kanila.

"Pero alam n'yo, with Paolo and Yen, sa totoo lang, wala namang taong perpekto. May mga taong nai-in love while they're still in a relationship. Kaya nga nagkakaroon ng salitang cheating or ghosting."

"Sa panahon ngayon, ang hirap talagang makontento ng isang tao. And hindi mo rin maiiwasan na may babaeng malandi, may lalakeng malandi. Babaeng cheater, lalaking cheater. Babaeng mahilig maglaro sa apoy, Lalaking mahilig maglaro sa apoy. Babaeng natukso, Lalaking natukso. Hindi na natin 'yan maiiwasan sa panahon ngayon," ani RR sa kaniyang &t=405s">vlog.

Wish daw ni RR na sana, dumating din ang pagkakataong humingi ng tawad sina Paolo at Yen sa mga nasaktan nila, partikular ang dating karelasyon ni Paolo na si LJ Reyes, na nasa ibang bansa na at full-time mom sa kanilang mga anak.