Bukod kina Diego Loyzaga at Marco Gumabao, inispluk ng 'Martyr or Murderer' director na si Darryl Yap na ang gaganap bilang batang Ninoy Aquino ay ang 'Katips' star na si Jerome Ponce.

Ibinahagi ito ni Yap sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 24.

"Hindi ka Nag-iisa…na nanligaw kay Imelda. Jerome Ponce is the Young Ninoy," sey niya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Matatandaang naging usap-usapan na rin si Ponce kung may ganap ba siya sa sequel ng 'Maid in Malacañang' dahil pumirma ito ng kontrata sa ViVa Films noong Setyembre.

Binati pa nga ito ni Yap, "congrats Kyle and Jerome, WELCOME TO VIVA! Love you Avel Salvamante Bacudio and Boss Vincent del Rosario."

“See you soon Darryl Yap,” komento naman ni Ponce.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/09/jerome-ponce-parte-na-ng-viva-gaganap-nga-ba-bilang-batang-ninoy/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/09/jerome-ponce-parte-na-ng-viva-gaganap-nga-ba-bilang-batang-ninoy/

Samantala, nauna nang ibinunyag ni Yap na ang gaganap na dating senador Ninoy Aquino sa pelikula ay si dating Manila City Mayor at natalong presidential candidate Isko Moreno.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/19/isko-balik-showbiz-gaganap-na-ninoy-aquino-sa-mom/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/19/isko-balik-showbiz-gaganap-na-ninoy-aquino-sa-mom/

Si Diego Loyzaga pa rin ang gaganap bilang young Bongbong Marcos. Matatandaang ginampanan na niya si BBM sa Maid in Malacañang.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/18/diego-loyzaga-muling-gaganap-na-bbm-sa-martyr-or-murderer-gaganap-na-ninoy-aquino-palaisipan-sa-mga-netizen/

Ang gaganap namang young Macoy o Ferdinand Marcos, Sr. ay si Marco Gumabao.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/23/batang-macoy-marco-gumabao-young-ferdinand-marcos-sr-sa-pelikulang-martyr-or-murderer/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/23/batang-macoy-marco-gumabao-young-ferdinand-marcos-sr-sa-pelikulang-martyr-or-murderer/