Mismong si Sanya Lopez ang tumanggap ng parangal ng teleseryeng "First Lady" mula sa 44th Catholic Mass Media awards nitong Miyerkules. Gayunman, sa hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang heels na suot ng aktres nang tatanggapin na niya ang parangal.

Hindi tuloy naiwasan ng aktres na maalala ang isa sa mga eksena niya sa nasabing teleserye. 

Sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Nobyembre 24, ibinahagi ni Sanya ang video clip ng isang eksena niya sa First Lady na kung saan nasira ang sapatos niya at kasunod naman ito ang video clip na kung saan tinanggap niya ang award sa CMMA.

"I didn’t expect na same scene sa First Lady ay mauulit ulit sa pagtanggap ko ng award sa Catholic Mass Media Award," sey ni Sanya sa caption.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

" It could be sign of something that I should be thankful for dahil sa mga blessings that I’m receiving. Thank you CMMA I’m so grateful for the award. Maraming maraming salamat po. In behalf of the cast and production of First Lady we are deeply honored," dagdag pa niya. 

Samantala, nakakuha rin ng parangal si Sanya bilang Asia's Most Versatile Actress sa 6th Asia-Pacific Luminarie.