Nagpasaring ang direktor ng upcoming movie na "Martyr or Murderer" o MoM na si Darryl Yap sa mga nagsasabing maaga pa raw para mag-reveal ng casting ng MoM dahil 2023 pa ito ipalalabas, at may paparating pang 2022 Metro Manila Film Festival o MMFF.

Aniya sa kaniyang Facebook post noong Nobyembre 22, 2022:

"Mga Beh,"

"Nagagalit kayo sa akin dahil nagpo-post ako tungkol sa casting ko gayung may MMFF 2022 pa na parating?"

National

PBBM, itinangging nagbitiw na si DND chief Teodoro: 'Imbento 'yan ng mga desperado!'

"Yung iba nga nagpapresscon na ng pelikula nila sa 2023–di kayo umimik."

"Bakit naman ako madadamay sa MMFF 2022?"

"Wala naman akong entry dyan."

"Kelan ba mga birthday nyo para maiwasan ko rin."

"Mamaya magpost ako, maupstage ko pa celebration nyo."

Ang MoM ay lumalabas na sequel ng "Maid in Malacañang" na ayon sa ulat ay maikokonsidera nang "3rd highest-grossing film of all-time".

Ang pangalawa at unang spot ay hawak pa rin ng Star Cinema at ni Kathryn Bernardo. Number 2 ang "The Hows of Us" nila ni Daniel Padilla at number 1 naman ang "Hello Love Goodbye" nila ni Kapuso star Alden Richards.

Nauna nang ibinunyag ni Yap na ang gaganap na dating senador Ninoy Aquino sa pelikula ay si dating Manila City Mayor at natalong presidential candidate Isko Moreno.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/isko-balik-showbiz-gaganap-na-ninoy-aquino-sa-mom/">https://balita.net.ph/2022/11/19/isko-balik-showbiz-gaganap-na-ninoy-aquino-sa-mom/

Ang gaganap namang young Macoy o Ferdinand Marcos, Sr. ay si Marco Gumabao.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/23/batang-macoy-marco-gumabao-young-ferdinand-marcos-sr-sa-pelikulang-martyr-or-murderer/">https://balita.net.ph/2022/11/23/batang-macoy-marco-gumabao-young-ferdinand-marcos-sr-sa-pelikulang-martyr-or-murderer/