Naniniwala ang celebrity-TV personality na si RR Enriquez na sa panahon ngayon lalo't laganap ang paggamit ng social media, ang hirap na raw makontento ng mga tao at talagang bantad na bantad sa tukso, ayon sa kaniyang "pananawsaw" sa intrigang bumabalot kina Paolo Contis at Yen Santos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/24/paolo-at-yen-lantaran-na-raw-time-is-the-ultimate-truth-teller-sawsaw-ni-rr-enriquez/">https://balita.net.ph/2022/11/24/paolo-at-yen-lantaran-na-raw-time-is-the-ultimate-truth-teller-sawsaw-ni-rr-enriquez/

"Sa panahon ngayon, ang hirap talagang makontento ng isang tao. And hindi mo rin maiiwasan na may babaeng malandi, may lalakeng malandi. Babaeng cheater, lalaking cheater. Babaeng mahilig maglaro sa apoy, Lalaking mahilig maglaro sa apoy. Babaeng natukso, Lalaking natukso. Hindi na natin 'yan maiiwasan sa panahon ngayon," pahayag ni RR sa kaniyang latest &t=405s">vlog.

Sa kasalukuyan daw ay sobrang dali na lamang ang pag-cheat dahil na rin sa social media. Para kay RR, pagtingin pa lang daw sa mga litrato ng mga seksing babae o guwapong lalaki, lalo na kung may karelasyon ka na, ay isang porma na rin ng cheating. Ito raw ay tinatawag na "virtual cheating".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabilang banda, nilinaw ni RR na hindi niya intensiyong i-normalize o sabihing tama ang cheating, na para sa kaniya ay maling-mali.

"Hindi siya tama, pero sa akin lang ah, kung nagawa man talaga ito nina Paolo Contis at Yen Santos, alam mo, lahat naman ng mga tao nagkakamali talaga."

Wish daw ni RR na sana, dumating din ang pagkakataong humingi ng tawad sina Paolo at Yen sa mga nasaktan nila, partikular ang dating karelasyon ni Paolo na si LJ Reyes, na nasa ibang bansa na at full-time mom sa kanilang mga anak.

Ginawa pang halimbawa ni RR ang kaniyang naging karanasan sa karelasyong si Jayjay Helterbrand, at nang mapagtanto niyang mali ang kaniyang ginawa, siya na mismo ang humingi ng tawad sa nobya noon ni Jayjay. Sa ngayon daw ay maayos na ang kanilang ugnayan.

"Kapag natututunan mong mag-humble down, maaayos at maaayos 'yang gusot na 'yan eh," giit pa ni RR.