Walang pinalad na magwagi sa jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 23.

Ayon sa PCSO, walang nagwagi sa ₱32,504,433.40 jackpot prize nito dahil walang nakahula ng six-digit winning combination na 15-35-51-26-40-48.

Samantala, dalawang manlalaro ang mag-uuwi ng ₱100,000 matapos manalo sa second prize ng laro habang nasa 221 na mananaya naman ang makakapag-uwi ng ₱1,500.

Hinikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin at tumaya sa lotto at iba pa nilang lotto games upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa. 

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.