Bukas na sa publiko ang dating tahanan ng award-winning global star na si Taylor Swift sa New York City, ayon sa isang ulat kamakailan.

Anang Mansion Global sa isang artikulo noong Nob. 21, ang townhouse na itinayo noon pang 1899 ay pauupahan sa halagang USD45,000 o nasa mahigit P2.5 milyon kada buwan.

Taong 2016 nang manirahan ang 32-anyos na si Taylor sa naturang bahay habang sumasailalim noon sa renobasyon ang kaniyang apartment sa Tribeca.

Ang lokasyon ay isa pinaka-eksklusibong bahagi ng West Village sa New York.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa kaniyang pananatili rito mula 2016 hanggang 2017, ang lugar ay kalauna’y naging bahagi rin sa makulay at matagumpay na music career ng global star.

Sa naturang bahagi kasi sa New York inspired ang kantang “Cornelia Street” sa kaniyang ikapitong studio album na “Lover” noong 2019.

“It's about the things that took place and the memories that took place on that street… all the nostalgia. Sometimes we bond our memories to the places that they happen. I wrote it alone and it ended up being one of my favorite songs,” pagbabahagi ng singer ukol sa kanta sa isang ulat ng People Magazine noong 2019.

Basahin: TB: Taylor Swift, aksidenteng nag-release ng ‘white noise,’ top spot agad sa isang music chart – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa hiwalay na ulat ng People, tinatayang USD40,000 kada-buwan ang naging renta noon ng singer sa iconic nang townhouse.

Larawan mula Mansion Global

Larawan mula Mansion Global

Larawan mula Mansion Global

Larawan mula Mansion Global

Ilang readily available amenities sa fully-furnished na tahanan ang sasalubong sa sinumang rerenta dito sa hinaharap.

“The 21-foot wide townhouse offers three gas fireplaces and hardwood floors, as well as four bedrooms, five full bathrooms and two powder rooms. There’s also an eat-in kitchen, a lounge area which leads to a patio surrounding the pool and a roof terrace with skyline views, according to the listing. Three of the bedrooms have private outdoor space, including the main bedroom, which also has a large bathroom with a sky-lit shower,” anang Mansion Global.