Hindi raw makikialam ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez sa lovelife ng anak niyang si Ria Atayde dahil hindi naman daw siya ang makikisama sa partner nito.

Ibinahagi ni Ibyang sa kaniyang Instagram post ang mga larawan kung saan makikitang kasama nilang kumakain si Zanjoe.

“Thank u for spending time with us Z@onlyzanjoemarudo,” anang aktres.

“I’m looking forward to know you more,” dagdag pa nito.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa naturang post, nagkomento ang bestfriend ni Ria, "happy ako na happy ka, Tita."

"Kahit sino ang mamahalin ni Ria, okay sa akin. Basta happy bestfriend mo, happy na rin ako. Wag ako makialam haha hindi ako ang makikisama ahahaha," sagot naman ni Sylvia.

Matatandaang kinumpirma ng beteranang aktres noong nakaraang buwan na nasa dating stage na si Zanjoe at Ria.

Aniya, hindi pa opisyal ang relasyon ng dalawa dahil kinikilala pa muna nila ang isa’t isa. Pinabulaanan din nito ang mga kumakalat na tsikang buntis daw ang kaniyang anak.

“Kaya nga natatawa ako doon sa mga lumalabas na buntis, nagpakasal. Hello! Ako muna makakaalam no, ako po nanay,” sey ni Sylvia.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/10/15/zanjoe-marudo-at-ria-atayde-nasa-dating-stage-na-buking-ni-sylvia-sanchez/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/15/zanjoe-marudo-at-ria-atayde-nasa-dating-stage-na-buking-ni-sylvia-sanchez/