Abangers ang mga netizen sa tugon ni Kapuso actress Kylie Padilla sa mga pahayag ng estranged husband na si Aljur Abrenica patungkol sa kanilang dalawa.

Una na rito ay ang regalong commitment at oras para sa kaniya at sa mga anak nila sa darating na Pasko, ayon sa naging panayam ni Morly Alinio.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-abrenica-may-magkaibang-regalo-kina-kylie-padilla-aj-raval-ngayong-pasko/">https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-abrenica-may-magkaibang-regalo-kina-kylie-padilla-aj-raval-ngayong-pasko/

Sa panayam ding ito, inamin ni Aljur na pinakamalungkot na pagdiriwang niya ng Pasko ay nang magkahiwalay nila ni Kylie at hindi niya makasama ang pamilya.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-may-inamin-pinakamalungkot-na-pasko-sa-kaniya-nang-magkahiwalay-sila-ni-kylie/">https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-may-inamin-pinakamalungkot-na-pasko-sa-kaniya-nang-magkahiwalay-sila-ni-kylie/

Sunod naman, sa naging tugon ng hunk actor na wala naman daw nagsara sa kaniyang puso at laging may espasyo si Kylie para sa kaniya, ayon naman sa panayam sa kaniya ni Aster Amoyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/21/aj-pakigalaw-ang-baso-aljur-bukas-pa-ang-puso-para-kay-kylie/">https://balita.net.ph/2022/11/21/aj-pakigalaw-ang-baso-aljur-bukas-pa-ang-puso-para-kay-kylie/

Pero tila dedma naman dito si Kylie at mas piniling makipag-bonding sa mga elepante, noong Nobyembre 19.

"I’ll never forget this day. 19 nov 2022," caption sa Instagram post ni Kylie kalakip ang mga litrato niya kasama ang pakikipag-bonding sa mga elepante.

Umuwi na rin kaagad si Kylie para sa contract signing niya sa Sparkle GMA Artist Center na naganap kahapon ng Martes, Nobyembre 22, na tinawag na "Signed to Stardom".

Tila hindi makakalimutan ni Kylie ang bonding moments niya sa mga elepante dahil muli siyang nag-post tungkol dito.

"The energy these creatures share is healing. Their eyes are so kind and full of love, mahahawa ka. To just exist in this world in a state of peace and to eat a lot haha," aniya sa caption.