Ikinalungkot sa mundo ng showbiz ang pagpanaw ng 89 anyos na beteranang aktres na si Flora Gasser noong Nobyembre 19, ayon sa Facebook post ng kaniyang apong si Valerie Ocampo, Nobyembre 20.

Hindi na idinetalye pa ni Ocampo ang dahilan ng pagyao ng kaniyang lola. Nagbigay lamang ito ng maikling detalye kung saan ilalagak ang mga labi nito.

"Our Lola, Flora Gasser, passed away yesterday and is now with the Lord and with our Lolo Harry," ayon sa Facebook post ni Ocampo.

"Her wake will be at Room 304, St. Peter’s Chapel Commonwealth, QC. Viewing will start today (Nov 20, 2022) at 3pm onwards until Nov 22, 2022."

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

"Thank you for your condolences."

Sa panibagong Facebook post ngayong Nobyembre 23, binigyang-pugay ni Ocampo ang kaniyang lola na aniya ay nasa mabuti nang lugar ngayon kasama ang kanilang lolo. Batay sa post, ike-cremate ang mga labi nito at i-uuwi sa ancestral home.

"Today is the last day my mom sees her mom, and me seeing my Lola. She will be turned into ashes and we will bring her back to our ancestral home. It is absolutely devastating to lose a parent/grandparent but at the same time, it’s comforting to know that she is in a better place and will be reunited with the love of her life."

"Rest well, Lola. Please say hi to Lolo for me," aniya.

Isa pang apo ni Gasser na si "Sarah Aguinaldo" ang nagbigay-pugay sa kaniyang lola.

"Rest in God's arm, Lola Flora. Mahal ka po namin."

"I know magkakasama na kayo ni Mommy and Lolo dyan sa taas 🕊 Thank you for being the funny and caring Lola. You will be missed. I'm sorry hindi ako nakaabot magbigay ulit ng panggranola and milk mo like the last time 🙁."

"I will always be proud na may lola akong artista hehe."

Si Gasser ay nakilala sa iba't ibang supporting roles sa pelikula at programang pantelebisyon.