Nami-miss na umano ng komedyanteng si Pooh ang yumaong kaibigan na kapwa stand-up at TV comedian na si Chokoleit, na namayapa noong Marso 2019 dahil sa atake sa puso.

Natanong si Pook patungkol dito nang dumalo sa media conference ng season finale "Oh My Korona", ang sitcom nila nina Maja Salvador sa TV5.

Biro pa ni Pooh, miss na miss na niya si Chokie pero hindi ibig sabihin nito na gusto na niyang sumunod sa kaibigan.

"Nami-miss ko si Chocoleit. Sobrang na-miss ko. Pero hindi para sumunod ako sa kaniya. Hahaha!" kuwelang sey ni Pooh.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami raw siyang gustong "isumbong" sa kaibigan kung nabubuhay pa sana ito. Nami-miss niya ang mga direktang pang-ookray nito sa kaniya kapag umiiyak siya dahil sa mga problemang kinahaharap niya.

"‘Tangna ka bakla ang aarte-arte mo hindi ka naman masyadong maganda. Wag ka ngang iiyak-iyak diyan.’ Ganoon siya, yung ihuhubog ka niyang maging strong," pagbabahagi ng komedyante.

“Minsan kasi bumibigay ako. Nagkaroon ako ng depression, anxiety, hindi ko alam kung anong gagawin ko and si Chokie lang ang gusto kong mapagsumbungan. Nakikipag-usap ako sa kaniya pero hindi naman siya sumagot at ayoko siyang sumagot."

“Sobrang laki ng ano sa akin ni Chokoleit. Yung parang siya lang yung nasusumbungan ko ng totoo kasi siya yung laging nagsasabi ng totoo.”

Rebelasyon din ni Pooh na bago sila maging magkaibigan ay naging magkaaway muna sila nito. Nagkaroon daw ng insecurity o slight inggit si Chokoleit nang pumasok na sa eksena si Pooh.

Nang mag-heart-to-heart talk daw sila, sinabi ni Pooh na hindi sila magkaaway ni Chokie kaya wala itong dapat na ikagalit sa kaniya. Nakatulong daw ang pagkakabuo ng grupo nila nina K Brosas at Pokwang upang mabuo ang pagkakaibigan nila.