Kasalukuyang ginaganap sa Pilipinas ang patuloy na pre-pageant activities ng Miss Earth 2022 bago ang inaabangang coronation finale sa susunod na linggo.

Bago nito, kinagiliwan naman ng netizens kamakailan ang game na game na pagkanta ni Miss Earth Korea Mina Sue Choi sa tila isang karaoke room na sikat na sikat sa bansa.

Sa 2009 na kantang “I Don’t Care” ng South Korean girl group na 2NE1, makikitang todo-enjoy sa kaniyang pagkanta si Mina Sue na parehong kinagiliwan at kinakyutan ng maraming netizens at pageant fans.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ilan pang netizens ang nakapansin naman sa pagkakahawig umano ni Mina Sue sa 2NE1 member at Pinay at heart na si Sandara Park.

Ang 23-anyos na delegada ay isa rin sa mga frontrunner at fan favorites para maging susunod na Miss Earth titleholder.

Sa Nob. 29, kokoronahan ni Miss Earth 2021 Destiny Wagner ang kaniyang successor sa Cove Manila.