Matapos ang pagpirma ng dating Kapamilya comedian na si Jayson Gainza sa Sparkle GMA Artist Center bilang pinakabagong Kapuso, isa rin pala ang beauty queen-turned-actress at dating Kapamilyang si Bianca Manalo sa mga kasali sa ginanap na "Signed to Stardom" ng nabanggit na talent-management arm ng network, para sa mga dati at bagong Kapuso artists nila.

"Sa bagong yugto ng buhay ko salamat @gmanetwork@sparklegmaartistcenter sa aking Manager kuya Darryl at sa handler ko @rappalvarez sa pagaasikaso sa akin. Sa mga boss ng @gmanetwork salamat sa tiwala," anang komedyante.

Nagpasalamat din si Jayson sa kaniyang dating home network.

"Maraming salamat din sa pinanggalingan kong istasyon @abscbn@starmagicphils kuya @alan_m_real #Mr.M @direklauren kung saan ako nagsimula, malaki ang utang na loob ko sa inyo, salamat maraming salamat po," dagdag pa niya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/22/komedyanteng-si-jayson-gainza-kapuso-na-aktor-malaki-ang-utang-na-loob-sa-dating-istasyon/">https://balita.net.ph/2022/11/22/komedyanteng-si-jayson-gainza-kapuso-na-aktor-malaki-ang-utang-na-loob-sa-dating-istasyon/

Hindi na bago ang alingasngas na lilipat na sa Kapuso Network si Bianca dahil dumalo siya sa GMA Thanksgiving Gala ng network noong Hulyo 30, kasama ang partner na si Senador Win Gatchalian. Dito, umugong na ang mga tsikang magiging Kapuso na ito.

Matatandaang kasama si Bianca sa nagtapos na hit teleseryeng "The Broken Marriage Vow" na pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria. Ito ay Philippine adaptation ng hit British series na "Doctor Foster" na may hit Korean adaptation naman na "The World of the Married".

Matapos ang kaniyang pageant stint ay nagsimula ang acting career ni Bianca sa Kapamilya Network at napasama sa iba't ibang teleserye at iba pang shows nito.

Nagkaroon pa siya ng sariling afternoon series na "Pablo S. Gomez' Juanita Banana" noong 2010.

Present sa naganap na contract signing ang GMA executives na sina Annette Gozon-Valdez, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support; Joy Marcelo, Assistant Vice President for Talent Management; at Lawrence Tan, Consulting Head for Talent Imaging and Marketing ng Sparkle.