Matapos ibidang si dating Manila City Mayor Isko "Moreno" Domagoso ang gaganap na dating senador Ninoy Aquino, sumunod na inilabas ng direktor na si Darryl Yap na ang gaganap naman bilang "batang Macoy" o bagets na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ay si Viva artist Marco Gumabao.

"Batang Macoy," caption ni Yap sa kaniyang Facebook post nitong gabi ng Martes, Nobyembre 22.

"Marco Gumabao is the Young Ferdinand Marcos."

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sa comment section, maraming nagsabing bagay naman kay Marco ang role at may hawig sila ni dating Pangulong Marcos noong kabataan nito, batay na rin sa ibinahaging throwback photo ng direktor.

Ang tanong, sino naman kaya ang gaganap na young Imelda Romualdez Marcos at young Ninoy?