Tinatayang doble sa inistemang halaga naibenta ang isang antigong iskulturang kahoy mula Ifugao sa isang luxury French auction kamakailan.

Sa website ng pamosong art and luxury business na Christie’s, isinara noong Oktub. 20 sa halagang 630,000 euros o tinatayang nasa mahigit P36.1 million ang hinulma sa kahoy na iskultura na kung tawagin ay bulul.

Doble ito sa unang ipinaskil na halaga sa parehong subastahan sa halagang 200,000 hanggang 300,000 euros o tinatayang nasa P11.4 milyon hanggang P17.2 milyon.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Screengrab mula website ng Christie’s

Kabilang ang makasaysayang kagamitan sa mga isinubasta ng Béatrice and Patrick Caput noong nakaraang buwan.

Paano napadpad sa Paris ang antigong bulul?

Ayon sa Christie’s, nasa pangangalaga ng isang William Gambuk Beyer ang nasabing bulul noon pang 1918. Siya ang anak ng tinaguriang “Father of Philippine Anthropology” na si Henrrey Otley Beyer.

Noong 1970, nakuha naman ng isang Alain Schoffel mula Paris ang parehong kagamitan bago kalauna’y napadpad sa Béatrice and Patrick Caputnoong 1989.

Ang naturang bulul ay binansagang “obra maestro ng sining ng Ifugao.”

“Thanks to its purified aspect, we can see as many possible links with the great statuary of the past as with that of the present. Notably, thanks to its intrinsic geometry, it is possible to evoke a kinship with some of the oldest anthropomorphic representations, such as certain plastic creations of the Neolithic or Cycladic art.

“At the same time, by reducing and simplifying the anthropomorphic representation as much as possible, the artist has created an abstract interpretation of the human figure, giving it a powerful serenity. In the case of this formidable sculpture, it is its great plastic quality and in particular its formal ambiguity - its archaism and its modernity - that convey an indisputable timelessness,” mababasa sa website ng Christie’s.

Ayon sa ulat ng Igorotage, ang bulul ay isang simbolo ng “Ifugao rice gods” na pinaniniwalaan ding tagapangalaga ng kalikasan, at tagapaghatid ng biyaya.