Tiniyak ngDepartment of Social Welfare and Development (DSWD) na isasapubliko nito ang updated na listahan ng mga benepisyaryo ngPantawid, Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Enero 2023.

Binanggit ng Office of the Press Secretary (OPS) na sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, ibinahagi ng kalihim na batay sa bagong listahanan ng survey na isinagawa ng ahensya, nasa 500,000 na benepisyaryo ngayon ng 4Ps ang maaari nang palitan.

Sinabi ng kalihim na plano nilang i-distribute sa iba't ibang sektor, gaya ng persons with disabilities (PWDs), solo parent, mga magsasaka, at mangingisda ang mga open slot para maging 4Ps beneficiaries.

Nasa ₱107.6 bilyon ang pondong nakalaan para sa 4Ps ngayong taon, ayon sa kalihim.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Sa ilalim ng panukalang 2023 National budget, tinaasan sa higit ₱115 bilyon ang budget ng ahensya.

Idinagdag pa ng DSWD na nasa 4.4 milyon pa rin ang benepisyaryo ng 4Ps sa susunod na taon.