Kinagigiliwan ngayon ng mga netizen ang bagong upload na video ng TV host-actress na si Maine Mendoza na kung saan mapapanood na tila wala siyang emosyon habang nakasakay sa rollercoaster kasama ang fiance na si Arjo Atayde.

"Rollercoaster of emotions," saad ng aktres sa kaniyang Facebook post. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Umani ito ng mga komento mula sa netizens. Biniro pa nila ang aktres na kaya raw hindi ito masaya dahil hindi raw kasama ang dalawang anak nito. 

Matatandaang naging isyu ito dahil may mga diehard AlDub fans ang nagsasabing ikinasal at may anak si Maine at Alden Richards, na pinabulaanan na rin ng aktres.

Ikinuwento niya ito sa recent vlog ni Ogie Diaz na inupload nitong Huwebes, Nobyembre 3.

“Marami na ang nakatanggap at ‘yung iba nag-stop na mag-support which is totally okay na rin naman. Pero meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin dun,” sey ni Maine.

“So ‘yun po ang hindi ko ma-tolerate. I tried calling them out couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala. I will take this chance. ‘Yung iba parang kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak kami. Totoo po ito,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/04/maine-mendoza-nilinaw-sa-mga-diehard-aldub-fans-na-wala-silang-anak-ni-alden-richards/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/04/maine-mendoza-nilinaw-sa-mga-diehard-aldub-fans-na-wala-silang-anak-ni-alden-richards/

"Mahirap talaga maging masaya kapag may naiwan kang anak sa Pilipinas."

"Ang taray ni ma'am Maine chill chill lang"

"Wow nakapag rollercoaster parang di bagong panganak. Uwi ka na dito Calamba meng."

""hBang nagPapakS4rap k jn c alden inaalagaan dalawa mueng anak!!!""

"Mas inuna pa mag rides kesa alagaan ang kanyang mga anak! 😤😤😤"

"Di siya masaya kasi di niya kasama anak nyang 2 😢😢😢"

"Mr. Bean girl version"

"a new meme was born 🤣"

"meng balik kana pls hinihintay kana ng mga anak mo dito sa pinas"

"Yaya Dub during her first month sa Bulaga 😅"

"May pag time check pa. HAHAHA"

"Roller coaster of no emotions😀"

"Long lost Mr.Bean’s daughter in 🎢 roller coaster"

"Maine and alden during ks days sa enchanted kingdom laguna cla yan enedit ng mga armaine di nio kmi mabola"

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na kinaaliwan ng mga netizen si Maine sa kaniyang rollercoaster ride. 

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/19/facial-expression-ni-maine-mendoza-habang-nakasakay-sa-roller-coaster-sa-paris-kinaaliwan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/19/facial-expression-ni-maine-mendoza-habang-nakasakay-sa-roller-coaster-sa-paris-kinaaliwan/