Opisyal nang Kapuso ang komedyanteng si Jayson Gainza matapos pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center nitong Martes, Nobyembre 22.

Ibinahagi ito mismo ni Jayson sa kaniyang Instagram. 

"Sa bagong yugto ng buhay ko salamat @gmanetwork@sparklegmaartistcenter sa aking Manager kuya Darryl at sa handler ko @rappalvarez sa pagaasikaso sa akin. Sa mga boss ng @gmanetwork salamat sa tiwala," anang aktor.

Napasalamat din siya sa kaniyang mga naging boss sa ABS-CBN. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Maraming salamat din sa pinanggalingan kong istasyon @abscbn@starmagicphils kuya @alan_m_real #Mr.M @direklauren kung saan ako nagsimula malaki ang utang na loob konsa inyo salamat maraming salamat po," dagdag pa niya.

Bago pa man maging opisyal na Kapuso, lumabas na rin sa ilang GMA shows si Jayson kagaya ng Happy Together, All Out Sundays, at Tikto Clock. 

Present sa contract signing ang GMA executives na sina Annette Gozon-Valdez, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support; Joy Marcelo, Assistant Vice President for Talent Management; at Lawrence Tan, Consulting Head for Talent Imaging and Marketing ng Sparkle.