Kinilig ang mga tagahanga ng Canadian singer na si Justin Bieber matapos nitong i-flex ang asawang si Hailey Bieber habang sila ay nasa Japan trip, para sa kaarawan nito.

Kalakip ng Instagram post ni Bieber ang mga sweet photos nila ni Hailey kung saan makikita ang kanilang mga lambingan. Tinawag niya ang asawa bilang "My favorite human being" at "Make life magic".

"HAPPY BIRFDAY (in Japan) TO MY FAVORITE HUMAN BEING XOXO YOU MAKE LIFE MAGIC 😭 OBSESSED WITH EVERYTHING ABOUT YOU. LOVE YOU BUM BUM," ayon sa caption ng singer.

National

Mga residente sa Bicol region, stranded dahil sa malawakan at lagpas taong pagbaha

Ikinasal ang dalawa noong Setyembre 2018 sa New York City courthouse, at nagkaroon pa ng mas intimate at tradisyonal na seremonya matapos ang isang taon, sa South Carolina. Muli silang nagkabalikan noong Hunyo 2018, matapos ang on-and-off relationship ni Bieber kay Selena Gomez, noong 2017.