Nagpaabot ng pagbati ang Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia sa kaniyang katambal na si Jane De Leon, na bida at gumaganap na "Darna" sa action-fantasy series na "Mars Ravelo's Darna The TV Series".

Makikita sa Instagram stories ni Joshua ang ilan sa mga kuhang behind-the-scenes nila ni Jane habang nagsho-shooting sila ng serye.

"Happy Birthday Darna", text caption ni Joshua.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Screengrab mula sa IG ni Joshua Garcia

Ipinagdiriwang ngayon ni Jane ang kaniyang ika-24 kaarawan, at maituturing niyang isang birthday gift ang patok na serye ngayon, at ang kauna-unahang pagkakataong siya ang bida sa isang show.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang kissing scene nina Joshua at Jane sa naturang serye.