Tila nagbunga na ang pinaghirapan ni Kapuso star Bea Alonzo na bumili ng sariling apartment sa bansang Espanya, dahil matapos ang pag-iinvest niya sa real estate doon sa halagang 500,000 euros o katumbas ng ₱30 milyon, ay isa na siyang ganap na residente ng naturang bansa.

Ayon sa panayam, nagbakasyon sa naturang bansa si Bea upang makuha niya ang kaniyang golden visa, at nakuha niya ito dahil sa "Residency by Investment" o RBI program para sa mga dayuhang nagnanais na maging residente, basta't may investment na hindi bababa sa 500K euros.

“Galing ako sa isang mahabang bakasyon. 26 days, almost a month. Kakauwi ko lang this week from Europe. The reason why I went there was because I wanted to get my Golden Visa to Spain, so I'm now a resident of Spain,” aniya.

Sa kaniyang vlog ay naibahagi ni Bea na nadala na niya sa naturang apartment sa Spain ang kaniyang ina. Ang new-build apartment ni Bea na matatagpuan sa Madrid ay disenyo ng isang kilalang Spanish architect na si Tristan Domecq.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bumaha naman ng pagbati mula sa mga netizen ang panibagong milestone sa buhay ni Bea dahil deserve na deserve daw niya ito.

Nauna nang na-inlove sa interior, at charm ng lokasyon ng apartment si Bea dahilan para piliin niya ito sa anim na binisitang bahay noong Mayo.

Liban sa napapalibutan ang lugar ng good café, at may maayos na amenities ang gusali ng apartment, dagdag na nagpakumbinsi kay Bea ang carrara marble na gamit sa ilang bahagi ng apartment.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/26/apartment-ni-bea-alonzo-sa-madrid-naipakita-na-ng-kapuso-actress-sa-kaniyang-mama/">https://balita.net.ph/2022/10/26/apartment-ni-bea-alonzo-sa-madrid-naipakita-na-ng-kapuso-actress-sa-kaniyang-mama/