Ibinida ng actress-social media influencer na si Donnalyn Bartolome ang kaniyang unboxing sa mga iniregalo sa kaniya noong kaniyang kaarawan, sa kaniyang latest vlog.

Napa-wow si Donnalyn sa mga iniregalo sa kaniya ng mga kapwa celebrity gaya nina Jelai Andres, Ryan Bang, mula sa kaniyang ex, sa iba pang kapwa vloggers, kay JM De Guzman, at sa kaniyang pinakamamahal na ina.

Gayon na lamang ang gulat ni Donnalyn nang bumungad sa kaniya ang isang mamahaling relo mula sa Chanel, na aniya ay dream watch niya.

"It's my dream watch…." emosyunal na bulalas ni Donnalyn nang makita na niya ito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang naturang dream watch ni Donnalyn na isang Chanel J12 ay sinasabing aabot sa mahigit ₱1M!

Kaya naman sabi ni Donnalyn, parang bet niyang bayaran ito sa kaniyang ina dahil feeling niya, hindi niya deserve makatanggap ng ganoong mamahaling regalo.

Ang naturang relo daw ay pinahanap pa niya, subalit nang malaman niya ang presyo nito, nagdalawang-isip si Donnalyn na bilhin ito dahil bibili pa raw sila ng isa pang bahay.

"Almost didn't upload this cause I felt undeserving. But the ones who gave me gifts deserve to be thanked!" caption ni Donnalyn bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagbigay ng regalo sa kaniya.

Sa ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, ay number 1 trending na sa YouTube ang vlog na ito ni Donnalyn.