Namataang magkasamang nanonood ng basketball game ang Fil-Am basketball player na si Simon Enciso at Kapamilya actress-model-dancer Chie Filomeno, na ibinahagi sa isang Facebook page.

"Best player of the Game Simon Enciso with Chie Filomeno," saad sa caption ng Facebook page na "We Are Pba Updates." Kalakip ng post ang litrato nilang dalawa habang magkatabi sa upuan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Naiulat din ito sa showbiz/entertainment site na Fashion Pulis. Tanong ngayon ng mga netizen, nagde-date na ba sila? Anong "real score" sa pagitan nilang dalawa?

"Kaya pala naka-kondisyon si idol!"

"Best player talaga? Hahaha."

"Kung wala naman silang mga jowa, go lang!"

"Parang di ko bet for Chie?"

"Paano na si Kyle Echarri?"

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kina Simon o Chie ang tungkol dito.