Inagaw umano ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang sinasabing unidentified floating object na natagpuan ng tropa ng gobyerno sa karagatang bahagi ng Pag-asa Island na sakop ng West Philippine Sea (WPS) sa Palawan nitong Linggo ng umaga, ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes.

Sa pahayag ni AFP-Western Command (WesCom)commander Vice Admiral Alberto Carlos, ang sinasabing naaanod na bagay ay natagpuan ng mga sundalong nakatalaga sa Naval Station Emilio Liwanag (NSEL) sa nasabing isla dakong 6:45 ng umaga.

Aniya, habang hinihila ito ng mga sundalo patungong NSEL ay hinarang sila ng barko ng Chinese Coast Guard at inagaw ito sa kanila.

“As the NSEL Team was towing the floating object, they noticedthat ChinaCoast Guard vessel with Bow Number 5203 was approaching their location and subsequently blocked their pre-plotted course twice,” sabi ni Carlos.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Pagkatapos aniya ng insidente, kaagad na bumalik sa kanilang naval base sa Pagasa Island ang mga sundalo.

"No member of the NSEL Team was injured during this incident," pagdidiin ni Carlos.

Sinabi nito na nai-report na rin nila sa National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang insidente.

Sa isang television interview, nilinaw naman ni Wescom spokesperson Maj. Cherryl Tindog, nakasalalay na sa NTF-WPS ang posibleng paghahain ng protesta laban sa China dahil na rin sa insidente.

Binanggit din ni Tindog na ang nasabing metal debris na inagaw ng Chinese Coast Guard ay kahalintulad ng natagpuan ng mga mangingisda sa Busuanga sa Palawan nitong Nobyembre 7.

Ito aniya ay pinaniniwalaang bahagi ngLong March 5B rocket na pinalipad ng China nitong Oktubre 31.