Trending sa Twitter list ang Kapuso actor na si Paolo Contis matapos ang pagbabahagi nito ng mga litrato nila ng rumored girlfriend na si Yen Santos, sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 20, 2022.

Screengrab mula sa Twitter

Bago nito, napabalita muna ang umano'y pagkakaispat sa kanilang dalawa na pumasok sa isang hotel sa Mandaluyong, matapos ang Gabi ng Parangal ng 45th Gawad Urian noong Huwebes, Nobyembre 17. Si Yen ang itinanghal na "Best Actress" para sa unang pelikulang pinagtambalan nila, ang "A Faraway Land", na naging dahilan din umano upang mapalapit sila sa isa't isa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/

Matatandaang sinabi ni Paolo na magkikita sila "in a while" ni Yen nang batiin niya ito sa pagkakapanalo bilang Best Actress.

“Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile," congratulatory message ni Paolo kay Yen kung saan itinag pa ito sa Facebook account nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/

Sa kaniyang birthday post, tinawag ni Paolo na "My Best Actress" si Yen.

"Happy Birthday My Best Actress!," caption ni Paolo sa kaniyang IG post. Kalakip nito ang ilan sa mga litrato nila habang magkasama sa magagandang spots sa lugar kung saan naroon sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/21/lantad-na-paolo-tinawag-na-my-best-actress-si-yen-magkasamang-nagdiwang-ng-bertdey/">https://balita.net.ph/2022/11/21/lantad-na-paolo-tinawag-na-my-best-actress-si-yen-magkasamang-nagdiwang-ng-bertdey/

Makikitang may cake pa si Yen na may nakasinding kandila sa ibabaw nito, at may nakasulat na "Happy Birthday" sa platong kinalalagyan nito.

Kitang-kita ang sweetness ng dalawa sa pag-akbay pa lamang ng aktor kay Yen.

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen sa Twitter world.

"A philosopher once said, 'Time is the ultimate truth teller'. Indeed. Kaloka!"

"Cheaters pa talaga malakas ang loob na ipakitang masaya sila. Paolo Contis is seriously a trash."

"I will never understand how Yen Santos allowed this to happen. Seriously, sana naman taasan niya tingin niya sa sarili niya. Why Paolo Contis pa? Kadiri."

"Ang kapal din naman ng mukha ni Paolo Contis mag-flex noh! 🤣. Mala-Gerald and Julia din noong una. Wag daw idamay yung girl, ang ending sila din mag-flex."

"Saan kaya kumukuha si Paolo Contis ng kapal ng mukha?"

"Tibay mo, Paolo Contis!"

"Ay wow mukhang lantaran na ah hahaha. Proud as a friend pa rin ba?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Paolo at Yen tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa panig nilang dalawa.