Sasabak sa isang puspusang training si Miss Universe Vietnam 2022 Ngọc Châu sa pangangalaga ni Carlos Buendia Jr., ang pakana sa iconic na “Lava Walk” ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ang ibinahagi kamakailan ng delegada ng Asya para sa nalalapit na Miss Universe 2022 competition sa New Orleans, Louisiana, USA sa Enero 2023.

Sasabak sa isang buwang intensive training ang Vietnamese beauty queen mula sa pagrampa, styling nito at maging sa personality development.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Chau believes that this will be a good opportunity for Chau to train and master the necessary skills, preparing everything best to come to Miss Universe this time,” mababasa sa kamakailang Instagram post ng kandidata.

Sa pangunguna ni Carlos na isa ring runway at personality development coach, naniniwala naman si Chau na makatutulong ang pambihiwang oportunidad para sa kaniyang bid sa prestihiyusong pageant.

“I feel so lucky & happy when Unimedia gave me this very meaningful and valuable opportunity. I will try my best to absorb and learn everything I could from Mr. Carlos,” aniya.

Base sa kaniyang update nitong Lunes, opisyal nang nakalapag ng bansa si Chau para simulan ang paghahanda.

Kagaya ng Pilipinas, ang Vietnam ang isa sa tinaguriang Asian powerhouse pagdating sa beauty pageants.