Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato ng magjowang Nash Aguas at Mika Dela Cruz na ibinahagi na sa iba't ibang Facebook pages dahil sa napansin ng mga netizen sa kaniya.

Ayon sa mga intrigera at katkaterang netizens, tila nag-gain weight daw si Mika at mukha siyang buntis sa kaniyang suot na gown.

Batay sa Instagram posts ng dalawa ay dumalo sila sa isang kasalan.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Mababasa sa isang Facebook page na "Kapuso Alliance Fanpage" ang litrato ng magjowa sa kasal na kanilang dinaluhan. Makikitang may hawak pang bulaklak ang celebrity couple.

"Parang buntis yata si Mika Dela Cruz dito ah, parang ang taba niya lalo. Congrats Nash & Mika," saad sa caption.

Sa comment section ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento.

"Pag tumaba buntis agad, talaga naman balita may bunga agad… excited ka pa sa 2… tumaba kasi mapagmahal yung bf niya…"

"Kapag nasa tamang tao ka, tumataba ka talaga, kasi alagang-alaga ka…"

"Wala naman tayong pakialam kung buntis si Mika kung totoo man, nasa tamang edad naman na sila at kayang buhayin magiging anak nila in the future… hindi ba puwedeng bilbil lang 'yan ganda naman ni Mika kahit chubby…"

"Pag tumaba, buntis agad… pag pumayat, may sakit agad… anong nangyayari sa earth."

Nash Aguas at Mika Dela Cruz (Screengrab sa FB page na Kapuso Alliance Fanpage)

Hindi ito ang unang beses na naisyung buntis si Mika.

Noong Marso 2021, ibinahagi ni Nash sa kaniyang Instagram post ang kaniyang reaksiyon tungkol sa pregnancy rumor ng jowa, batay sa litrato nitong tila maumbok ang tiyan sa suot na white dress habang nakakandong sa kaniya.

“Sinend sakin ng tropa yung link HAHAHA MAGINGAT PO KAYO SA FAKE NEWS bye socmed na ulit HAHA,” ani Nash. Ipinarinig pa niya ang narration mula sa vlog na nag-ulat nito mula sa isang celebrity YouTube channel. Tawang-tawa naman si Nash sa mga narinig niya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Mika at Nash tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita Online sa kanilang panig.