Suportado ni Lolit Solis sina Yen Santos at Paolo Contis. Aniya, wala naman daw masama kung may relasyon ang dalawa dahil pareho raw itong walang commitment. 

Sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Nobyembre 20, tila umamin na daw si Yen nang manalo ito ng best actress award sa 45th Gawad Urian. 

"Parang isang pag amin na ginawa ni Yen Santos ng manalo siya ng award, Salve. Talagang sinabi niya na fan siya ni Paolo Contis at isa itong mahusay na artista," sey ng talent manager.

Sa kaniyang acceptance speech ay punumpuno ng pasasalamat si Yen sa Urian, sa kaniyang direktor at nakasama sa produksyon ng “A Faraway Land," gayundin sa kaniyang leading man na si Paolo Contis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“...And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo… I’ll always be your number one fan," sey ng aktres.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/yen-santos-nagpasalamat-kay-paolo-contis-bilang-leading-man-ill-always-be-your-number-one-fan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/19/yen-santos-nagpasalamat-kay-paolo-contis-bilang-leading-man-ill-always-be-your-number-one-fan/

Ayon pa kay Manay, wala raw masama kung may relasyon ang dalawa at mukha naman daw silang good influence sa isa't isa.

"Walang masama kung may relasyon sila dahil pareho silang walang commitment. Mukha naman good influence sila dahil pareho maganda ang dating nila. Kung sakali na silang dalawa na nga I will be very happy Salve at Gorgy," aniya.

"Matagal narin naman walang lovelife si Paolo at sabi ko nga kalmante ang dating niya ngayon kaya baka good influence si Yen sa kanya," dagdag pa niya.

Payo ni Lolit, maikli lang daw ang buhay kaya kung saan daw sasaya ang isang tao, go lang.

"Life is short, make the most out of it. Kung saan ka happy, doon ka, don't let anything stop you to have that happiness. Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy."

Marami ang nakapansin sa new look ni Yen na blooming daw. Ito ang unang pagdalo ni Yen sa isang showbiz event matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan. Hanggang ngayon, hindi pa siya direktang nagsasalita hinggil sa tunay na relasyon nila ni Paolo.

Matatandaang sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nina Paolo at dating karelasyong si Kapuso actress LJ Reyes, ay nadawit at nakaladkad ang pangalan ni Yen na siya umanong third party, matapos silang maispatang magkasama sa Baguio City.

Bagay na pinabulaanan naman ng aktor at ipinagtanggol ang aktres, kaya sumikat ang linyahang “as a friend”. Dahil sa isyung ito ay tila nanahimik sa showbiz si Yen, gayundin sa social media.

Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi na makita ang congratulatory post ni Paolo para kay Yen sa kaniyang personal FB account, habang isinusulat ang artikulong ito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/11/21/lantad-na-paolo-tinawag-na-my-best-actress-si-yen-magkasamang-nagdiwang-ng-bertdey/