Tila may katotohanan nga ang bali-balitang magkasama sa isang hotel ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos ipinost na ng Kapuso actor sa kaniyang Instagram ang kaniyang simpleng birthday message para sa Kapamilya actress.

Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 20, tinawag niyang "My Best Actress" si Yen. Kaarawan kasi ng aktres kahapon, Nobyembre 20. Nasungkit pa ni Yen ang parangal sa Urian, na kauna-unahang major award sa kaniyang acting career.

"Happy Birthday My Best Actress!," caption ni Paolo sa kaniyang IG post. Kalakip nito ang ilan sa mga litrato nila habang magkasama sa magagandang spots sa lugar kung saan naroon sila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikitang may cake pa si Yen na may nakasinding kandila sa ibabaw nito, at may nakasulat na "Happy Birthday" sa platong kinalalagyan nito.

Kitang-kita ang sweetness ng dalawa sa pag-akbay pa lamang ng aktor kay Yen.

Kahapon ay naiulat ni MJ Marfori sa One Balita Weekend na naispatan daw ang dalawa na pumasok sa isang hotel, matapos ang Gabi ng Parangal ng Gawad Urian noong Huwebes, Nobyembre 17, kung saan tinanghal na "Best Actress" si Yen para sa kanilang pelikulang "A Faraway Land" na naging mitsa kung bakit sila iniugnay sa isa't isa.

Ayon sa ulat, magkahawak-kamay pa raw ang dalawa nang pumasok sa isang hotel sa Mandaluyong City. Sweet na sweet pa raw ang dalawa habang nakikipag-usap sa staff na nasa front desk.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/

Matatandaang sinabi ni Paolo na magkikita sila "in a while" ni Yen nang batiin niya ito sa pagkakapanalo bilang Best Actress, at tamang-tamang kaarawan ni Yen ngayong Nobyembre 20.

“Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile," congratulatory message ni Paolo kay Yen kung saan itinag pa ito sa Facebook account nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/18/paolo-contis-proud-as-a-friend-kay-yen-santos-matapos-magwaging-best-actress-sa-urian/

Kasama naman si Paolo sa mga pinasalamatan ni Yen sa kaniyang acceptance speech.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/19/yen-santos-nagpasalamat-kay-paolo-contis-bilang-leading-man-ill-always-be-your-number-one-fan/">https://balita.net.ph/2022/11/19/yen-santos-nagpasalamat-kay-paolo-contis-bilang-leading-man-ill-always-be-your-number-one-fan/

Mukhang unti-unti ay inilalantad nina Paolo at Yen kung ano ba talaga ang real score sa kanilang dalawa.