Game na game si Diamond Star Maricel Soriano sa pagta-transform bilang "drag queen" dahil sa pag-guest sa kaniyang vlog ng anak-anakang si "Xilhouete", isa sa mga naging finalist ng "Drag Race Philippines" season 1 kung saan ang itinanghal na grand winner ay si "Divine Diva Precious Paula Nicole."

Nobyembre 19 pa lamang ay nagkaroon na ng "patikim" ang Diamond Star sa magiging vlog niya.

"Dahil hindi pa ko nakaka-get over sa @dragraceph at excited na ko for @dragdenph , gumawa muna ko ng sarili ko. Mahulaan nyo kaya kung sinong Queens form these shows ang kasama ko? Etching!," ani Taray Queen.

Ngunit ang ikinamangha ng lahat ay ang look na pang-drag queen ni Maricel at ang pangalan niyang "Kinang Inay".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"MGA ACCLA, THIS IZZ IT."

"MARICEL SORIANO IS OUT, KINANG INAY IS IN!"

Sa isa pang IG post ay makikitang magkasama na sila ni Xilhoute.

"Maraming maraming salamat po sa 100k subscribers ko sa YouTube!," saad sa caption.

"Sana ma-enjoy nyo ang pinaghirapan naming vlog to celebrate this milestone. Nakakaloka, 9 hours of shoot in drag! Pero masayang-masaya ko to do this kasama ang anak-anakan kong si @xilhouete."