Sa halip na ma-offend ay inamin naman ng "It's Showtime" host-actress na si Anne Curtis na siya ang tropa o friend mong kadalasang kasama sa videokehan, na "biritero at sintunado" pero todo-bigay at mahal ang pagkanta kahit "ayaw sa kaniya ng kanta".

Niretweet ni Anne ang komento sa kaniya ng isang netizen, dahil naging trending ang kaniyang pagbirit ng "Gusto Ko Nang Bumitaw" noong Sabado, Nobyembre 19, sa kanilang noontime show.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/anne-cianne-at-jackie-winasak-ang-career-nina-morissette-sheryn-at-regine/">https://balita.net.ph/2022/11/20/anne-cianne-at-jackie-winasak-ang-career-nina-morissette-sheryn-at-regine/

"Si @annecurtissmith yung tropa mong biritero kahit sintonado. Todo bigay at mahal ang pagkanta kahit ayaw sa kaniya ng kanta. Hahahaha. Labb you, Anne!" saad ng netizen.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Sey naman ni Anne, "Aminin, sa isang barkada may isa talagang member ma-ganun. Yung ayaw pa bitawin yung mic pag videoke-han na. Very kanta kasama. Ako po yun! Hahahaha."

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1594501127839834112

Marami naman sa mga netizen ang nagsabing kapag si Anne ang bumirit sa videoke, tiyak na million views kaagad ito.