Inamin ng hunk actor na si Aljur Abrenica na hindi naman daw nagsarado ang puso niya para sa estranged wife na si Kylie Padilla, ayon sa panayam sa kaniya sa vlog ng showbiz writer na si Aster Amoyo.

Nauntag ni Aster ang tungkol sa napagkasunduang co-parenting nina Aljur at Kylie pagdating sa mga anak nilang sina Alas at Axl. Kahit na magkahiwalay ng tirahan ay patuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila ni Kylie alang-alang sa mga bata.

"Sa co-parenting kami nagpo-focus ngayon kasi iisipin n’yo na ‘yung mga bata eh. Almost everyday nag-uusap kami. Kahit hiwalay kami, we’re still learning from each other how to be good parents,” pahayag ng aktor.

Nang tanungin naman siya kung mahal pa niya si Kylie, sinabi ni Aljur na hindi naman na raw mawawala sa puso niya ang ina ng mga anak.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sundot na tanong ni Aster, kung ganoon daw ba ay hindi pa ipinipinid ni Aljur ang puso niya para kay Kylie at posible pa silang magkabalikan, in the near future?

“May nagsarado ba? ‘Yung iba nga sinasabi nila wala na talaga pero meron pa ‘di ba? Wala namang nakakaalam eh kung anong mangyayari. Hindi ko nga alam na maghihiwalay kami eh. Hindi ko nga alam na magkakaanak kami?" tugon ni Aljur.

Bago ang panayam na ito. nauna munang pinag-usapan ang mga sagot niya sa tanong ng isa pang showbiz reporter na si Morly Alinio, tungkol sa kung ano ang ireregalo niya kina Kylie at sa rumored girlfriend na si AJ Raval.

"Commitment" aniya ang maibibigay niya para kay Kylie. Commitment hindi bilang lover kundi ama sa kanilang mga anak, dahil co-parenting nga sila pagdating sa mga bata.

"Commitment na I'll always there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love," ani Aljur.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-abrenica-may-magkaibang-regalo-kina-kylie-padilla-aj-raval-ngayong-pasko/">https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-abrenica-may-magkaibang-regalo-kina-kylie-padilla-aj-raval-ngayong-pasko/

At siyempre, hindi mawawala sa eksena si AJ Raval. Ano naman kaya ang Christmas gift ni Aljur para sa kaniya? Aniya, nais lamang niyang matupad ng Vivamax actress ang kaniyang mga gusto sa buhay. Makahulugan ang karugtong na sinabi ni Aljur na hindi niya alam kung maibibigay niya ba ito sa aktres.

Para naman sa sarili, sinabi ni Aljur na nais lamang niyang makasama nang buo ang kaniyang pamilya.

Inamin din ni Aljur na itinuturing niyang pinakamalungkot na pagdiriwang niya ng Pasko ay nang hindi niya makasama ang kaniyang pamilya, dahil sa hiwalayan nila ng estranged wife.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-may-inamin-pinakamalungkot-na-pasko-sa-kaniya-nang-magkahiwalay-sila-ni-kylie/">https://balita.net.ph/2022/11/15/aljur-may-inamin-pinakamalungkot-na-pasko-sa-kaniya-nang-magkahiwalay-sila-ni-kylie/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kylie tungkol dito.