Ibinalandra ng TV host-actor na si Dingdong Dantes ang kanilang bagong bahay na aniya dalawang dekadang pinagsikapan.

"Ang tahanan ng aking pamilya. Naitayo ng ilang ilang taon, pero dalawang dekadang pinagsikapan. Pagkakaingatan, ipalalaganap ang pagmamahalan, at ipapamana ang mabubuting ala-ala. Huwag ipaubaya ang pangarap sa iba. Subukan ang subok na," saad ni Dingdong sa caption ng kaniyang Facebook post.

National

Bam Aquino, hangad hustisya para sa mga biktima ng EJK: ‘Dinadamayan natin sila’

Bukod sa Facebook, nagpost din siya sa kaniyang Instagram.

"The things we cherish most often do not come easy. A house is no different. We work hard to build it—founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it," sey ni 'Family Feud' host.

"Soon to be “painted” with the memories we will be creating, and love that we will be sharing within— possibly for generations to come. What is worth keeping deserves only the things we trust. Subukan ang subok na," dagdag pa niya. 

Sa edad na 42-anyos, proud si Dingdong na nakamit niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay. Naging katulong niya ang kaniyang engineer na kapatid na si Angelo sa pagbuo ng kaniyang dream house.