Diretsahang inamin ni "It's Showtime" host Vice Ganda na kahit wala na umanong katiyakan kung saan papunta ang kanilang noontime show, maging ang network dahil sa kawalan nito ng prangkisa, patuloy pa rin silang magpapasaya ng mga madlang pipol at avid Kapamilya viewers, ayon sa kaniyang pagpapasalamat.

Naganap ang pagbibigay-mensahe ni Meme Vice matapos manalong Grand Champion ng "Magpasikat" ang team ng anak-anakang si Ryan Bang at Jhong Hilario. Ito ang kauna-unahang pagkapanalo ni Ryan matapos ang ilang taon na ring ginagawa ang taunang pasiklaban ng co-hosts sa pamamagitan ng team effort.

Inamin ni Vice na kung tatanungin siya, hindi niya rin alam kung saan na ba papunta ang It's Showtime at ABS-CBN matapos silang mawalan ng prangkisa; subalit ipinagkakatiwala na lamang nila sa Diyos kung saan nga ba sila dapat mapunta.

“Kahit hindi na natin alam saan papunta ang Showtime, kahit hindi na natin alam saan papunta ang ABS-CBN, let’s keep on working and giving what the audience wants and need."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Kung saan man tayo papunta kahit hindi natin alam, dadalhin naman tayo ng Diyos kung saan tayo nararapat.”

Bukod dito, pinasalamatan din ni Vice Ganda ang mga dating direktor at co-host na naging bahagi ng It's Showtime kagaya nina Direk Bobet Vidanes, Direk Mel Feliciano, Direk Boyet, at dating co-hosts na sina Billy Crawford, Coleen Garcia, Eruption, Kuya Kim Atienza, at iba pa.

Aminado rin si Vice na nagkasamaan sila ng loob subalit dapat pa rin silang pasalamatan dahil naging bahagi sila ng noontime show na iyon.

“Gusto kong balikan lahat ng masasayang alaala kasi masayang-masaya naman tayong lahat, mahal na mahal natin yung isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan. Bago tayo nagkasakitan. Bago tayo nagalit sa isa’t isa, nagmahalan tayo,” aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/20/vice-ganda-emosyunal-na-pinasalamatan-sina-direk-bobet-billy-kuya-kim-at-iba-pa/">https://balita.net.ph/2022/11/20/vice-ganda-emosyunal-na-pinasalamatan-sina-direk-bobet-billy-kuya-kim-at-iba-pa/