Nalulungkot umano si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano sa pinagdaraanan ngayon ng kaibigang si Vhong Navarro, ayon sa panayam sa kaniya sa naganap na presscon para sa "I Am… Toni" concert niya.

Ang naturang concert ay pagdiriwang ni Toni para sa kaniyang ika-20 taon o dalawang dekadang anibersaryo sa showbiz. Makahulugan ito ngayon dahil sa dami ng mga nangyari sa kaniya sa mga nagdaang buwan, narito pa rin si Toni at masasabing nalagpasan ang mga ito.

Natanong si Toni kung ano ang masasabi niya sa pinagdaraanan ngayon ng isa sa mga kaibigan at naging katrabahong si Vhong Navarro, na kasalukuyang nakapiit dahil sa non-bailable na kasong isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo.

Ayon kay Toni, nalulungkot siya ngunit wala naman siyang magagawa kundi ipagdasal ito; na sana ay mapabilis na ang proseso at matapos na.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Kung mabibigyan daw ng tsansa, bukas siya sa ideya na magkaroon sila ng reunion movie. Matatandaang nagkasama sila sa horror-comedy movie na "D' Anothers" noong 2005.

Bago siya tuluyang lumipat at naging contract artist ng ABS-CBN, nagkasama na sila sa "Wazzup Wazzup" sa noon ay Studio 23.