Masayang ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta na nagkaayos na sila ng kaniyang mister na si dating senador at kandidato sa pagkapangalawang pangulong si Atty. Kiko Pangilinan, sa debut party ng anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan Agoncillo.

Pagbubunyag ni Mega, anim na buwan daw silang may "lover's quarrel" at inakala pang magiging dahilan ng kanilang hiwalayan. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng apat na magkakaibang Instagram post.

"Reunited after a long 6-month long LQ which we thought would lead to a separation."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na."

"Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na uli after 6 months."

“Bati na kami today after pagkahaba-habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube ‘di kami halos magtabi!”

Hindi na idinetalye pa ni Mega kung ano ang dahilan ng tampuhan nila ni Kiko subalit nagpaabot naman ng pagsuporta sa kanilang dalawa ang mga kaibigang celebrity.