Ibinida ni "Family Feud" host na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang litrato nila ng kilalang content creator na si "Miss Ginbilog" matapos itong maging contestant sa naturang patok na game show.

"Ang pulutan ni Miss Ginbilog!," caption ni Dingdong sa kaniyang Facebook post, kalakip ang litrato nila ng content creator mula sa Bulacan.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Makikita sa litrato na hawak ni Dingdong ang kulay-green na pitsel ni Miss Ginbilog, at si Miss Ginbilog naman ay may hawak na pampulutang "Dingdong", ang sikat na assorted nuts, cornick, at peas na nabibili sa mga supermarket at suking tindahan.

Biniro naman ng mga netizen ang dalawa.

"Lagot ka mare kay Marian, ginawa mong pulutan si Dingdong."

"Iba talaga si Ginbilog. Mala-Marimar."

"Nagpaalam ka ba kay Marian, ha, Miss Ginbilog?"

"Syuta ka mare sana all!"

"Bilang na ang mga araw mo Miss Ginbilog, yari ka at maninirahan ka sa CR habambuhay."

"Syuta ka mare, sana all Dingdong Dantes ba naman kainuman mo love you Mareng Marian Dantes shot puno na!"

"Ingat ka Dong, pag may alak, may balak hahahaha."

Sa mga hindi pamilyar sa kaniya, si Miss Ginbilog ay ang mommy na taga-Bulacan na kahit saan magpunta ay bitbit ang kaniyang pitsel na may lamang bote ng Ginebra San Miguel at powdered juice drink.