Marami ang naantig sa viral TikTok video ng gurong si Ma'am Malone Belmonte ng Panitian Elementary School sa Quezon, Palawan, matapos niyang itampok ang isa sa mga estudyante niya, na nagpatulong na buksan ang takip ng dala-dala nitong basyo ng toyo---na tubig na inumin pala ang laman!

Buong akala raw ng guro ay tunay na toyo ang pinapasuyo sa kaniya ng estudyante, kaya nang malaman niyang tubig ito, hindi niya naiwasang makaramdam ng lungkot.

“Nagulat and at the same time nalungkot ako," saad sa caption.

“My learner asked me to open her water bottle."

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“At first sight akala ko may baon siya na toyo, yun pala yun na ang water bottle niya.”

“Don’t be so demanding in life when in fact there are these kids who are willing to go through the hardships in life for their dreams."

“We are lucky enough na hindi natin naranasan ang ganitong shortage sa buhay.”

Umabot na sa higit 4 million views ang naturang TikTok video.

Ayon sa panibagong update ng guro, matapos daw mag-viral ang kaniyang TikTok video, marami raw ang nag-DM sa kaniya upang magpaabot ng tulong sa bata, at hindi lamang sa bata, kundi sa buong klase niya, lalo't malapit na ang Pasko.

May nagsabi pang balak umanong bilhan ng tumblers ang iba pang mga bata, na mga gamit na basyo ng suka at softdrinks ang kanilang pinaglalagyan ng tubig na inumin.