Kumasa sa hamon ng pagbirit ng "Gusto Ko Nang Bumitaw" ang "It's Showtime" host na si Anne Curtis kasama sina Cianne at Jackie sa videoke session ng mga host.

Confident na confident ang tatlo sa kanilang paghataw mala-Morissette Amon at Regine Velasquez-Alcasid, bagay na ikinatuwa naman ng co-hosts at madlang pipol.

Marami naman ang nakapansin sa husay sa pag-awit ng kasama nila na si Cianne.

Biro ng mga netizen, "winasak" na raw ng tatlo ang singing career nina Mori at Ate Reg, kasama pa ang original singer nitong si "Crystal Voice of Asia" na si Sheryn Regis.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Puwede na sila may segment. One of the highlights kanina. Grabe good vibes."

"Ilang beses ko na itong inulit..ang saya. Ang galing ni Cianne kumanta… maganda na at ang ganda pa ng boses. Nakakatuwa naman si Jackie at Anne tamang videoke lang talaga hahaha."

"In fairness ang galing nilang tatlo hahaha, entertaining… na-surprise ako kay Cianne ganda pala boses niya!"

"This needs to be viral like legit, malay n'yo maki-join pa sa inyo sina Mori at Ate Reg hahaha."

"Nag-improve na talaga nang kaunti boses ni Anne hahaha."

Samantala, sa kaniyang tweets ay "humingi ng paumanhin" si Anne sa Asia's Phoenix at Asia's Songbird.

"Confirm po. Ayaw po magpakanta sa iba yung kantang 'Gusto ko Nang Bumitaw' pang-Sheryn, Morissette & Ate Reg lang daw talaga. Hindi na po mauulit! Hahahaahahaha #Magpasikat2022GrandChampion," aniya.