Naantig ang maraming netizens sa isang online group matapos masilayan ang kawang-gawa ng isang guwardiya ng fast food chain habang nagpapakain sa isang pamilya ng pusang gala.

Sa Facebook group na Aspin Lovers Philippines ibinahagi ng uploader na si Allan Dizon ang nakakaantig na tagpo kamakailan.

“Thank you Sir Chowking Guard! Ang bait mo. Pinapakain mo mga stray cats. Sana pagpalain ka ni Lord,” mababasa sa caption ng group member sa mga larawan na aniya’y nakaw ding kinunan.

Dito, makikita ang tatlong pusa na may magkakaparehong kulay na nagsasalu-salo sa tig-iisang bowl ng pagkain.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Agad na nag-viral ang naturang post na pinusuan na ng nasa mahigit 25,000 netizens.

“God bless you po kuya. sana di ka po mapagod at magsawa magpakain sa kanila!” komento ng isang netizen.

“At stainless bowls ang kainan ng cats. Level up si kuya guard!😻💛 Thank you🙏

“Tuwing nakakakita ako ng mga ganitong posts naluluha na agad ako🥹

“Saludo po ako sainyo, napakabuti nyo po☺️❤️!”

“Godbless you kuyang Guard!”

“Wow good job sir sana tularan ka ng ibang tao na may masakit sa mga hayop.god bless sir❤️❤️💖🐕🐕🐈🐈

“Ipagpatuloy nyupo yan mamang guard swerte po yan at swetehen lalo ang chowking nyo😊

“Maraming salamat po mga sir napakabuti ng kalooban nyo god bless at sna marami pa mga kagya nyo mga mabubiti loob sa mga gaya din natin may buhay!”