May bagong video na namang kinagigiliwan ang mga netizen mula sa TV host-actress na si Melai Cantiveros. 

Mapapanood sa inupload niyang video nitong Biyernes, Nobyembre 18, na tila kinikilig ang bunsong anak niyang si Stella nang malaman nito na crush siya ng crush niyang nagngangalang "Sam."

"This is the worst day ever. 'Di ba crush ko si Sam, 'di mo pa alam guys. Tapos crush ako ni Sam," kinikilig na sabi ni Stella at tumili-tili pa ito.

"He is 5 years old like me!" sey pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinanong naman siya ng inang si Melai kung paano raw niya nalaman na crush siya ni Sam. Sagot naman ni Stella, "Na-ask ko siya." at nagtitili ulit.

Samantala, natatawa rin si Jason sa reaksyon ng kaniyang anak. 

"It's normal," simpleng sabi nito.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang naturang video:

"I remember noong sa Pbb c Jason at Melai ganyan din ung reaction ni melai ksi crush sya ni Jason noon.."

"The design is very melai"

"Sana all, kinacrush back"

"Hindi na mapapasigaw si Stela ng I love chicken nuggets kundi I love Sam na."

"Grabe 5 Yrs old na pala si chicken nuggets

"Sanaol may confidence tanungin yung crush, buti kinrush back ka steyaaaa

"yan ang resulta ng i love chicken nuggets..me too"

"Speechless si Jason. Si Mela parang takot sa papa nya, nung last vlog nila nahihiya sya aminin crush nya BTS eh. Pero dito si Stela confident magsabi regarding her crush in front of her papa."

"haha ang cute ni stela.....jason kaya p.ba ang 3 melai..."

"The realization that your bb girl is gonna get married someday"

"Ang cute mo baby paulit ulit ko pinanood talaga naalala ko si mader mo sa pbb dati copy talaga naadik ako dati sa pbb nung panahon ni maam milay saka sir jayson kahit antok na po ako tinitiis kopo mapanood kulang kuya dalawa maam melay saka sir jayson"

"Naalala ko noong pumasok c Jericho rosales sa pbb house. Hanyang ganyan din ang arte ni melai. Ha ha ha. Sakit ng tiyan ko ka katawa."

"ME TOO MAMAAAAA, crush din ako ni crush"

"Ate steya pakita nman picture ni Sam Kung cute din"

"Resulta na I love chicken nuggets,me too jsko"

"Ganoon dapat pag my crush ka tanongin mo muna kung crush ka din nya para di masakit"

Mas nakilala ang mga anak ni Melai matapos mag-viral ang "i love chicken nuggets nito."

Kaugnay na Balita: 

https://balita.net.ph/2022/10/07/epekto-ng-chicken-nuggets-gusto-ko-nang-bumitaw-ng-mga-anak-ni-melai-kinagiliwan-din-ng-mga-netizen/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/07/epekto-ng-chicken-nuggets-gusto-ko-nang-bumitaw-ng-mga-anak-ni-melai-kinagiliwan-din-ng-mga-netizen/

https://balita.net.ph/2022/10/08/i-love-chicken-nuggets-may-viral-music-na-rin-inang-si-melai-tawang-tawa-sa-reactions-ng-netizens/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/08/i-love-chicken-nuggets-may-viral-music-na-rin-ia>