Ilang lugar sa Maynila, partikular sa Pandacan at Paco, ang makararanas ng power interruption bukas, Linggo, Nob. 20.

Sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) na ang nakatakdang pansamantalang pagkawala ng kuryente ay dahil sa pagpapalit ng mga poste at line conversion works sa kahabaan ng Paz Mendoza Guazon St. sa Paco, Manila.

Magkakaroon ng power interruptions sa pagitan ng 9 a.m. at 9 p.m., at 4:30 p.m. at 5 p.m. sa mga sumusunod na lugar:

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

  • Bahagi ng Cristobal St. mula U.N. Ave, hanggang sa Railroad Road.

  • Bahagi ng Paz Mendoza Guazon St. mula Cristobal St. hanggang at kabilang ang Shell Gas Station, Robinsons Place – Otis at Nissan Cars Otis; at Sansiangco St. sa Paco

  • Bahagi ng Jesus St. mula kay Pres. Quirino Ave. hanggang Petron Community Compound kabilang ang Pandacan, Balagtas, Teodoro San Luis, Labores, Hilum, East Zamora, Industria at Rosario Sts. sa Pandacan

  • Bahagi ng Paz Mendoza Guazon St. mula Pres. Quirino Ave. hanggang at kabilang ang Union Motors Parts Sales and Service Center, Toyota – Otis, East West Bank, Landers Superstore – Otis, Malayan High School of Science at Ford Manila; Acropolis Village, Pacopandana Executive Homes at Malacañang Park sa Paco.

  • Bahagi ng Pres. Quirino Ave. mula Paz Mendoza Guazon St. hanggang West Zamora St. kasama ang Sampaguita, Jacinto, Gonzales, M. Guazon. at Mendiola Ext. Sts. sa Paco at Pandacan.

Jaleen Ramos