Pinuri ni Presidential Adviser on Creative Communications na si Direk Paul Soriano si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. dahil performing at performing well umano ang pangulo sa mga dinadaluhan nitong world summit, partikular ang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC CEO Summit sa Thailand.

Batay sa mga litrato at update ay kasama ng pangulo si Soriano at iba pang opisyal ng pamahalaan gaya nina House Speaker Martin Romualdez, DSWD Secretary Erwin Tulfo, dating Pangulo at Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, at iba pa.

“The best politics is performance…” - President @bongbongmarcos," ani Direk Paul sa kaniyang tweet noong Nobyembre 17.

"#PBBM 🇵🇭#APEC2022 All Filipinos should be proud that we have a President that is performing and performing well on the global stage," papuri pa niya.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

https://twitter.com/paulsoriano1017/status/1593092143102709760

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Eto na 'yun. PA for Creative Communications siya eh."

"So that is your role. To window dress the president even if the truth is he is not really performing well."

"Totoo naman. Good job, Mr. President! Show the what you've got."

"Anong performance? Just because he is all over the place giving speeches? Performance metrics of president are economic metrics eg. curbing inflation, peso value, unemployment rate, GDP (measured for the last 6 months, etc). Huwag panay staged performance."

Sa isa pang tweet, ibinahagi ni Soriano ang mga litrato ni PBBM.

https://twitter.com/paulsoriano1017/status/1593531242569695232