Tila may pa-countdown ang mga netizen sa nalalapit na kaarawan ng "The Voice Kids Season 1" champion na si Lyca Gairanod at batikang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila, sa darating na Nobyembre 21.

Matatandaang mag-iisang taon na ang nakalilipas simula nang maging viral ang naging reaksiyon sa isa't isa nina Lyca at Karen nang mapag-alama nilang magka-birthday sila at parehong Scorpio.

Itinampok kasi ni Karen sa kaniyang vlog ang buhay ni Lyca. Sa bandang dulo ng vlog, napag-alaman ni Karen na Nobyembre 21 din ang araw ng pagsilang ng singer.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/16/from-basurera-to-singing-grand-champion-biritera-kumusta-na-nga-ba-si-lyca-gairanod/">https://balita.net.ph/2021/08/16/from-basurera-to-singing-grand-champion-biritera-kumusta-na-nga-ba-si-lyca-gairanod/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gulat na gulat namang napabulalas ang mamamahayag.

"Oh my God! Birthday ko iyon! Birthday mo November 21? Hindi ko alam 'yun ah, wait hindi ko alam 'yun. Magka-birthday kami. Parehong Scorpio," manghang-manghang sabi ni Karen.

Bukod sa reaksyon ni Karen, kinagiliwan din ang facial expression ni Lyca, na nagulat sa ginawa ni Karen.

"We are meant to meet! We are meant to meet… How many people ang makakatsamba mo, iniinterview ka, ka-birthday mo," sabi pa ni Karen.

Agad namang bumanat si Lyca, "Dahil magka-birthday po tayo, kayo po ang maghahanda sa birthday ko…"

"Pag nag-birthday tayong dalawa, ako ang magpapa-party!" pangako naman ni Karen.

Kaya naman, inabangan ng mga netizen kung tototohanin ba ni Karen ang kaniyang pangako kay Lyca.

Bagay na nangyari naman, dahil bukod sa pa-party ay nagsagawa na rin sila ng outreach program sa lugar na kinalakhan ng singer.

Birthday celebration for a cause ang ginawa nila dahil sa halip na sila ang mabigyan ng regalo, sila ang namahagi ng sorpresa sa ilang mga kapitbahayan ni Lyca. Namigay sila ng libreng bisikleta sa tulong ni Gretchen Ho na tinawag na 'Donate a Bike, Save a Job', bukod pa sa iba pang mga freebies mula sa kanilang sponsors.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/21/karen-davila-at-lyca-gairanod-tinotoo-ang-sabay-na-b-day-celebration/">https://balita.net.ph/2021/11/21/karen-davila-at-lyca-gairanod-tinotoo-ang-sabay-na-b-day-celebration/

Kaya ngayong paparating na ang Nobyembre 21, nagpa-alala ang mga netizen na huwag daw kalimutang magbe-birthday sina Lyca at Karen, at malapit na ito. Ibinahagi pa ito sa Facebook page na "Main Pop Girls Stanposting."

"Wag po nating kalimutan ang birthday nila Kween Lyca at Madam Karen sa November 21," saad sa caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, at abangers sila kung ano ang magiging pasabog ng dalawa sa kanilang kaarawan.