Muli na namang pinag-usapan ang social media post ng aktres na si Maxene Magalona matapos niyang ibahagi ang kaniyang saloobin tungkol sa paggawa ng "mistakes" o pagkakamali sa buhay.

Aniya, bilang isang tao ay karaniwan lamang ang pagkakamali dahil wala namang perpekto sa mundo; subalit hindi aniya nangangahulugan nitong isa siyang pagkakamali.

"It sucks when this happens because failing makes me feel like I’m a failure. Which I am not," ani Maxene sa kaniyang social media post, na iniulat ng Manila Bulletin.

"I make mistakes but I am NOT a mistake. I completely understand that I am only human and that I will make mistakes one way or another in this lifetime. I just have to be patient with myself and rest in the knowing that I’m always trying and doing my best. That will always be enough to me because I know that I am enough.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Matatandaang idinadawit si Maxene ngayon sa isyu ng hiwalayan daw ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/17/maxene-magalona-idinadawit-sa-isyu-ng-umanoy-hiwalayang-angel-locsin-at-neil-arce/">https://balita.net.ph/2022/11/17/maxene-magalona-idinadawit-sa-isyu-ng-umanoy-hiwalayang-angel-locsin-at-neil-arce/

Si Maxene ay hiwalay na sa kaniyang mister na si Rob Mananquil.

Bagama't walang direktang tugon, reaksiyon, o pahayag, ipinagpalagay ng mga netizen na ang latest Instagram post niya na may pamagat na "Unfuckwithable" ang sagot niya sa mga intrigang ipinupukol sa kaniya, kalakip ang mga litrato niya habang nagmemeditate.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/17/neil-arce-pinatutsadahan-ang-mga-fake-news-peddler/">https://balita.net.ph/2022/11/17/neil-arce-pinatutsadahan-ang-mga-fake-news-peddler/

Kahapon ng Biyernes, Nobyembre 18, nagbigay na rin ng maiksing pahayag si Neil para sa fake news peddlers, na ipinadaan niya sa showbiz columnist na si Ogie Diaz.