Nakatakda ring bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Vietnam dahil na rin sa imbitasyon ni President Nguyen Xuan Phuc.

Sinabi ni Marcos na mismong si Phuc ang nag-imbita sa kanya matapos silang magkita sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand kamakailan.

Binanggit aniya sa kanya ni Phuc na marami silang tatalakaying usapin sa nakatakdang state visit ni Marcos sa naturang bansa.

“I cannot say no. I will in principle accept your very kind invitation. We will just stay in contact so that we can decide on the date. I will ask our foreign secretary to stay in touch with his counterpart, and also your staff in the Vietnamese Embassy,” sabi ni Marecos sa panayam sa telebisyon.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Bago pa ang pag-imbita sa kanya ni Phuc, sinabi ni Marcos na nauna na siyang inimbitahan Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na bumisita sa naturang bansa.

Matatandaang nagkita sina Marcos at Chinese President Xi Jinping sa pagpupulong nitong Huwebes at naging limitado lamang ang kanilang pag-uusap hinggil sa mga usapin sa Asia-Pacific region.

Binanggit ni Xi sa nasabing pagpupulong na dapat na pairalin ng Pilipinas at China ang mahinahong konsultasyon kaugnay sa usapin sa South China Sea.