Hindi si Philip Salvador o si Herbert Bautista ang gaganap na dating senador Ninoy Aquino sa pelikulang "Martyr or Murderer" (MoM), ang sequel ng pelikulang "Maid in Malacañang", kundi si dating Manila City Mayor Isko "Moreno" Domagoso.

Iyan mismo ang rebelasyon ng sumulat at direktor nitong si Darryl Yap, sa kaniyang latest Facebook post nitong Biyernes, Nobyembre 18.

"Isko Moreno as Ninoy Aquino," saad ni Yap sa kaniyang caption.

"The Filipino is worth dying… INSIDE 🎵🎶. #MoM2023 #MoM #MARTYRorMURDERER."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kalakip ng post na ito ang litrato ni Isko kung saan makikitang hawak na niya ang iskrip bilang si Ninoy Aquino.

Noong Martes, Nobyembre 15, nag-post si Yap na mayroon na siyang gaganap na artista para sa papel ni Ninoy.

"THANK YOU LORD, I NOW HAVE A NINOY," aniya.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang unang "patikim" ng direktor sa gaganap sa papel ng dating senador matapos ang pagbabahagi ng isang artwork, na kahawig ni Philip Salvador, ang dating karelasyon ni Kris Aquino na anak naman ni Ninoy. Si Philip ay ang ama rin ng panganay na anak ni Kris na si Joshua Aquino.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/17/mga-ex-ni-kris-aquino-philip-salvador-joey-marquez-gaganap-ba-sa-sequel-ng-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/10/17/mga-ex-ni-kris-aquino-philip-salvador-joey-marquez-gaganap-ba-sa-sequel-ng-maid-in-malacanang/

Samantala, mananatiling "young Bongbong Marcos" sa pelikula ang aktor na si Diego Loyzaga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/18/diego-loyzaga-muling-gaganap-na-bbm-sa-martyr-or-murderer-gaganap-na-ninoy-aquino-palaisipan-sa-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/11/18/diego-loyzaga-muling-gaganap-na-bbm-sa-martyr-or-murderer-gaganap-na-ninoy-aquino-palaisipan-sa-mga-netizen/