Ibinahagi ng "rumored girlfriend" ng premyadong aktor na si John Lloyd Cruz na si Isabel Santos, isang artist, ang ilan sa mga litrato nila ng "rumored boyfriend" nang dumalo sila sa 5th Asia Pacific Screen Awards (APSA) noong Nobyembre 11, 2022 sa Home of the Arts sa Gold Coast, Australia.

Nominado kasi si JLC sa kategoryang "Best Performance" para sa pelikulang "Kapag Wala Na Ang Mga Alon (When The Waves Are Gone) ni Lav Diaz. Noong Nobyembre 17 lamang siya nagbahagi ng ilang mga litrato nila ng aktor sa kaniyang Instagram post.

Makikitang naka-Barong Tagalog si John Lloyd at naka-itim na slacks, at walang suot na medyas kundi sapatos lamang, kagaya ng tipikal na pormahan niya.

Si Isabel naman ay naka-pink dress na kung titingnan mula sa malayo ay parang yari sa plastik dahil sa pagka-see through nito, at nakasuot ng eye glasses.

Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw

Sa pangalawang larawan, ipinakita ni Isabel ang bandang paanan nila ni John Lloyd.

Kapuna-puna naman ang holding hands ng dalawa habang nasa sasakyan, batay sa huling larawan.

Kinilig naman ang mga netizen sa comment section ng kaniyang IG post.

"Ganda ng dress ni Isabel Santos."

"Looking great, mga beh!"

"Ang ganda masyado!"

"Love this lewk!"

"Ang ganda! Love the dress!"

Samantala, hindi pa rin maiiwasan ang ilang bashers na pinuna ang pananamit ni Isabel, gayundin ang look daw ngayon ni John Lloyd, na mababasa sa comment section ng mga pahayagang nagbalita nito.

"Bakit parang hindi yata napaghandaan yung mga suot nila…"

"Kakagaling lang yata sa swimming ni JL di nahubad ang goggles sinama na rin niya ang order niya Shoppee."

"Bakit ang pangit ng suot nila?"

"Parang cellophane yung damit ng babae, si JL naman parang hindi niya size yung barong…"

Sa kabilang banda, marami rin naman ang nagtanggol kay Isabel.

"Kikay lang talaga sya manamit pro maganda at simple lang siya hndi gaya ng iba diyan kung manamit labas ang kaluluwa."

"She looks like a decent woman with good breeding."

"Beauty is not always based on appearance but she may be beautiful inside and out which JL adores. She looks sensible and smart unlike those ex’s linked to him beauty lang."

"Yung mga nagko-comments ng negative sa kanila mind your own life masyado kayong bitter."

"Not digging her fashion style, this style is ok if they’re going to a fashion show (kaniya-kaniyang type lang po ng style)."